Isang Gabay sa Mga Bakuna para sa Mga Nakatatandang Canadian
Nobyembre 13, 2023 (na-update noong Enero 29, 2024)
Ni: Arushan Arulnamby, Samir K. Sinha
Bilang tugon sa mga nagiging available na bago at updated na bakuna, naglabas ang National Institute on Ageing (NIA) ng updated na bersyon ng pamphlet nito: Isang Gabay sa Mga Bakuna para sa Mga Nakatatandang Canadian. Ang natatanging resource na ito ay nagbibigay ng madaling maunawaan at praktikal na impormasyon sa 18 wika para mabigyan ng kaalaman at maihanda ang mga mas nakakatandang Canadian lalo na na para sa inaasahang ‘tripledemic’ na paparating ngayong panahon ng trangkaso, at pagkatapos nito.
Karaniwang nagsisimula ang Flu at RSV season nang Nobyembre at nagtatapos sa huling bahagi ng Mayo. Bagama't hindi malubha ang karamihan ng kaso ng influenza at RSV, posibleng maging mas seryoso ang mga ito. Ang mga nasa hustong gulang na 65 taon pataas ay nasa mas mataas na panganib: binubuo nila ang isang ikalimang bahagi ng populasyon ng Canada, pero kinakatawan nila ang humigit-kumulang 90 porsyento ng mga pagkamatay dahil sa influenza, RSV, COVID-19, at pulmunya sa Canada.