Mga Bakuna sa COVID-19 — Ang Kailangang Malaman ng Mga Mas Nakakatandang Canadian
Nobyembre 13, 2023 (na-update noong Enero 17, 2024)
May-akda: Arushan Arulnamby, Samir K. Sinha
Bilang tugon sa mga nagiging available na bago at updated na bakuna, naglabas ang National Institute on Ageing (NIA) ng updated na bersyon ng pamphlet nito: Mga Bakuna sa COVID-19 — Ang Kailangang Malaman ng Mga Mas Nakakatandang Canadian. Ang natatanging resource na ito ay nagbibigay ng madaling maunawaan at praktikal na impormasyon sa 18 wika para mabigyan ng kaalaman at maihanda ang mga mas nakakatandang Canadian lalo na na para sa inaasahang ‘tripledemic’ na paparating ngayong panahon ng trangkaso, at pagkatapos nito.
Ang mga nasa hustong gulang na 65 taon pataas ay nasa mas mataas na panganib: binubuo nila ang isang ikalimang bahagi ng populasyon ng Canada, pero kinakatawan nila ang humigit-kumulang 90 porsyento ng mga pagkamatay dahil sa influenza, RSV, COVID-19, at pulmunya sa Canada.